^

True Confessions

Hiyasmin (31)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“SIGE na nga. Pero pagkatapos mong maghugas ng pinggan ay mag-rest ka na o kaya’y mag-aral ng lesson mo,’’ sabi ni Dax.

“Opo. Pagkatapos nito, magrerebyu ako ng mga aralin ko. May exam kami bukas.’’

“Sige. Tapusin mo na yan. Kapag magrerebyu ka, buksan mo ang aircon para komportable ka sa pag-aaral.’’

“Opo.’’

Iniwan na ni Dax si Hiyasmin at nanood ng TV sa salas. Kapag Sabado tulad nito na wala siyang pasok, pawang panonood ng pelikula sa Netflex ang inaatupag niya. Ilang pelikula ang natatapos niya.

Kapag nagsawa sa panonood ay matutulog siya at gabi na babangon. Kung minsan, dere-deretso ang tulog niya.

Pero ngayong may kasama na siya sa bahay baka hindi niya magawang matulog nang tuluy-tuloy. Baka mababaw lang ang tulog niya.

Nanood siya ng pelikula sa Netflix pero nagtataka siya dahil isang pelikula lang ang natapos niya.

Natulog siya. Pero mabilis siyang nagising. Alas sais lang ng gabi ay gi­sing na siya. Nang bumangon, may narinig siyang gumagawa sa kusina. Nang tingnan niya, si Hiyasmin at ­naghuhugas ng kaserola.

Naramdaman ni Hiyasmin ang paglapit niya.

“Ano pong iluluto ko para sa dinner, Sir Dax.’’

“A e ginisang corned beef na may patatas. Nasa cabinet ang corned beef.’’

“Sige po.’’

Lihim na napangiti si Dax. Maaasahan si Hiyasmin.

KINABUKASAN, papasok na sa school si Hiyasmin. Nagpaalam kay Dax.

“Aalis na po ako, Sir Dax.’’

“Sige, ingat ka Hiyasmin.’’

Itutuloy

vuukle comment

HIYASMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with