Hiyasmin (22)
NAGPATULOY si Hiyasmin sa pagsusumbong kay Dax ukol sa ginagawa ng stepfather nito. Tahimik lang si Dax. Nadarama niya ang problema ni Hiyasmin.
“Gaya kanina, maaga akong naligo—alas singko ng umaga—dahil maaga ang klase ko.”
Nang nagsasabon ako ng katawan, pakiramdam ko may mga matang naka tingin sa akin. Dali-dali akong nagbanlaw at nagbalot ng tuwalya at lumabas ng banyo. Naabutan kong nakatayo malapit sa pinto ang manyakis. Sigurado ako na binobosohan niya ako! Gusto kong sigawan sa tindi ng galit pero nagpigil ako. Nakapagtimpi pa ako.
“Kaya kinakabahan ako Sir Dax na baka sa susunod ay hindi na pamboboso lamang ang gawin ng manyakis kundi pasukin na ako sa banyo at gahasain.”
Ano ang ilalaban ko sa manyakis?
“Natatakot ako Sir Dax. Gusto ko nang umalis sa bahay para maiwasan ang kamanyakan ng stepfather ko. Kung hindi ganun ang gagawin ko, magagahasa ako.’’
Napabuntunghininga si Dax.
“Sinabi mo ba yan sa mama mo? Alam ba niya ang nangyayari?’’
“Opo. Pero wala siyang magawa. Takot siyang kumprontahin ang asawa.’’
“Wala ba siyang magagawa?’’
“Kilala ko ang mama ko, Sir Dax. Mahina siya! Hindi marunong lumaban!’’
Itutuloy
- Latest