Hiyasmin (3)
IPINATONG ni Dax ang ID sa ibabaw ng center table para madali niyang madadampot kapag may naghanap. Tiyak na may tatawag at magtatanong kung may nakitang ID sa harap ng gate. Maaalala ng kung sinumang may-ari ng ID kung saang lugar niya ito naiwala. Lahat nang dinaanan ay babalikan para makita ang ID.
Pero gumabi na ay walang naghanap ng ID. Nagluto si Dax ng hapunan niya. Ginisang sardinas na may ginayat na repolyo. Tinuro iyon ng nanay niya. Mabilis lang iluto. Habang naggigisa ng sardinas ay nagsaing siya. Mayroon siyang maliit na rice cooker.
Eksaktong naluluto ang ginisang sardinas with repolyo, kumukulo na ang kanin sa rice cooker.
Makalipas ang kinse minutos, luto na lahat. Nakahanda na ang malamig na calamansi juice niya sa ref. Hindi siya nagso-softdrinks. Masarap para sa kanya ang calamansi juice.
Nagsandok na siya. Umuusok ang kanin. Nagsandok siya ng sardinas na may repolyo. Nagsimula siyang kumain. Sarap ng luto niya!
Matapos kumain, hinugasan niya ang pinagkainan. Pagkatapos ay humilata na siya sa sopa at nanood ng TV. Malaki ang kanyang TV—flat screen na parang nanonood siya sa sinehan.
Nang antukin sa pano-nood, matutulog na sana siya. Pero napansin niya ang ID na nakapatong sa center table.
Binasa ang pangalan: Hiyasmin Elcruz.
Itutuloy
- Latest