Suklam (154)

UMORDER nang ma­raming pagkain si Julio para dalhin sa bahay nina Brent. Napagkasunduan nila ni Brent na sa bahay na ituloy ang pagsasaya. Ayon kay Brent, mas maganda kung sa bahay nila mag-iinuman para walang problema kung malasing man. Puwedeng dun matulog si Julio at sa kinabukasan na lamang umuwi.

Nang nakahanda na ang kanilang takeout na pagkain, umalis na sila sa restaurant. “Hindi ba tayo makakaistorbo sa inyo, Brent. Baka mai­nga­yan ang tatay mo sa akin. Ma­daldal ako kapag nalalasing.’’

“Mas madaldal ang tatay ko kapag nakainom, ha-ha-ha!’’

“Umiinom ba ang tatay mo?’’

“Oo. Kapag nakainom ‘yun, nagkakaraoke. Siya lagi ang may hawak ng mikropono.’’

“Talaga? Parehas pala kami na karaoke king, ha-ha-ha!’’

“Libangan ni Tatay ‘yun. Kapag wala na siyang ginagawa sa bahay, magkakaraoke habang umiinom ng beer.’’

“Magkakasundo kami, ha-ha-ha!’’

Nang dumating sila sa bahay, gulat na gulat ang tatay ni Brent.

Ipinakilala niya si Julio.

“’Tay si Julio!’’

“Ah ikaw pala si Julio,’’ sabi ng tatay at kinamayan.

“Kumusta ka po, ‘Tay?’’ tanong ni Julio.

“Mabuti naman at na­dalaw ka?’’

“Magkakaraoke siya ‘Tay!’’ sabi ni Brent na nakatawa.

“Aba game ako!’’

Itutuloy

Show comments