Suklam (153)

“Hindi naman siguro bawal sa’yo ang uminom Brent. Gusto ko samahan mo ako sa pagkakataong ito na nagsa­saya dahil sa pagkawala ng ba­baing kinasusuklaman ko. Ikaw lamang ang tanging tao na nakakaalam kung ano ang ginawa sa akin ni Vivian,’’ sabi ni Julio na halatang natutuwa.

“Sasamahan kita, Julio­. Hindi kita iiwanan. Noon pa, gusto na kitang makilala para maisumbong ang gina­gawa ni Vivian pero hindi ko magawa dahil nag-aa­langan pa ako kung maniniwala ka sa akin. Tinimbang ko muna ang lahat bago ako lumapit sa iyo.’’

“Salamat muli sa pagmamalasakit mo Brent.’’

“Puwede na tayong mag-inuman, Julio. Sasa­mahan kita sa pagsasaya.’’

“Maraming salamat, Brent.”

“Kung gusto mo, sa bahay tayo magselebreyt para kung maparami ang nainom natin, e di walang problema. Puwede kang matulog dun. Isa pa, ipakikilala kita kay Tatay.’’

“Bah, good idea! Alam mo bang nun ko pa gustong makara­ting sa inyo?’’

“Sige tara na.”

“Mas ma­buti yata Brent e mag-takeout na tayo ng pagkain at pulutan. Damihan na natin para rin kay Tatay mo.’’

“Kung yan ang gusto mo, Julio.”

(Itutuloy)

Show comments