^

True Confessions

Suklam (152)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“ANONG nangyari Julio?’’ tanong ni Brent.

“Patay na si Vivian.’’

Nagulat si Brent.

“Kailan pa?’’

“Mga isang buwan na ang nakararaan—cancer sa uterus.’’

“Paano mo nalaman? Di ba sabi mo mula nang pagtaksilan ka sa ikalawang pagkakataon ay wala ka nang pakialam sa kanya.’’

“Nagmessage siya sa akin. Humihingi ng tawad. May taning na raw ang kanyang buhay at humihiling na dalawin ko siya sa huling pagkakataon…’’ tumigil si Julio, napatingin sa labas ng restawran.

“Dinalaw mo siya? Pinatawad mo?’’

Umiling si Julio.

“Para ano pa? Magiging plastic lang ako sa sarili kung dadalawin ko siya at patatawarin pero ang totoo, hindi naman. Isa pa, wala na akong nadarama sa kanya. Pawang pagkasuklam ang nasa puso ko. Hindi na mababago ang pasya ko. Sinira niya nang todo,’’ dama sa boses ni Julio ang pait.

Natatandaan ni Brent na napaiyak pa si Julio habang kinukuwento ang tagpo na nahuli niya ang asawang si Vivian habang katalik ang kanilang drayber. Napakasakit! Walang kapatawaran.

“Maligaya na ako, Brent. Ang pagkawala ni Vivian ang nagpalaya sa akin.’’

“Nakikita ko nga sa mga mata mo, Julio.’’

“Kaya uminom tayo ngayon. Samahan mo ako sa pagdiriwang, Brent.’’

Itutuloy

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with