Suklam (142)

“ALAM mo ‘Tay kung bakit nalaman ko ang istorya ng buhay ni Leah?” tanong ni Brent.

“Bakit nga ba? Kasi nagtataka rin ako dahil ang sabi mo, kailan lang kayo nagkakilala ni Leah. Nagkuwento agad siya sa’yo ng buhay nila?’’

“Kasi, napansin ko sa wall nila ang mga picture na nakadispley. Wala sa family picture nila ang papa niya. Tinanong ko si Leah. Bantulot pa nga si Leah na sabihin pero nagkuwento na rin. At yun nga, nagtaksil pala ang papa niya habang ang mama niya ay nasa Hong Kong.’’

“Parang nagkakatulad nga ang istorya natin at istorya nila ano Brent. Pati ang pagdidispley ng picture sa dingding ay parehas. Di ba hindi ko rin ini­lala­gay sa wall ang picture ng mama mo?’’

“Oo nga ‘Tay.’’

“E ikinuwento mo rin ba kay Leah ang kuwento natin?”

“Hindi pa ‘Tay.’’

“Ikuwento mo rin sa kanya.’’

“Oo, ‘Tay.’’

 (Itutuloy)

Show comments