Suklam (141)

“HINDI ako makapa­niwala sa ikinuwento ni Leah, ‘Tay. Magkapareho ang kuwento natin at kanyang pamilya,’’ sabi ni Brent.

“Si Leah ba yung sinasabi mong nakatira diyan sa Sulucan?”

“Opo.’’

“Anong magkapa­reho?’’

Ikinuwento ni Brent sa kanyang tatay.

Hindi makapaniwala ang kanyang tatay.

“Pareho nga.’’

“Ang pagkakaiba lang ‘Tay, hindi nila pinatawad ang nagkasalang ama. Pinanindigan ng mama ni Leah na huwag itong patawarin hanggang ma­matay. Katwiran ng mama ni Leah, walang kasingpait ang nalasap niya sa ginawa ng asawa. Walang kapatawaran ang ginawa­. Kahit ano pa raw ang sa­bihin ng iba, hindi mababago ang pasya.’’

“Hindi nila dinalaw kahit nakaburol ang ama?’’

“Hindi ‘Tay.’’

“Talagang may paninindigan ang mama ni Leah. Grabeng sakit ng nadama. Katulad ko rin na mahapdi ang naramdaman.’’

“Pero pinatawad mo.’’

“Para matapos na.’’

“Pero talagang bukal sa loob mo ang pagpapatawad.’’

“Madali lang namang sabihing ‘oo’ pero ang totoo, naroon pa rin ang kirot.’’

“Kaya okey din sa’yo kung hindi mo naigawad ang pagpapatawad?’’

Tumango ang tatay ni Brent.

Pagkaraan ay malumanay na nagsalita.

“Kaya tama rin ang ginawa ng mama ni Leah na hindi pinatawad ang kanyang asawa. Walang kasingsakit ang ginawang pagtataksil.’’

Itutuloy

Show comments