Suklam (139)

Pagkatapos magku­wento ni Leah ng mga nangyari sa kanilang pa­milya ay ganap nang na­unawaan ni Brent kung bakit wala ang papa nito sa family picture.

“’Yun pala ang dahilan kaya wala ang papa mo sa picture n’yo,’’ sabi niya sabay turo sa mga naka­sabit na larawan sa dingding.

“Oo. Sabi ni Mama, kung hindi aalisin ang photo ni Papa at lagi niyang ma­kikita, mananariwa lamang ang sakit na idinulot sa amin. Gusto niya totally wala na talaga—at nagtagumpay si Mama. Labis ko siyang hinangaan sa paninindigan.’’

“Ako man, humaha­nga sa mama mo. Bihira ang katulad niya.’’

“Sabi ng iba, masyado raw namang matigas si Mama. Lahat naman daw ay nagkakamali. Dapat pinatawad na raw ni Mama si Papa sa nagawa nito. Pero sagot ni Mama sa mga kumukontra, siya raw ang nakadama ng sakit. At tanging ang nakadama lamang ng sakit ang ma­kapagpapasya nang nararapat. Sabi pa ni Mama, hindi kailanman siya nagkamali kung bakit hindi pinatawad si Papa.’’

Napatango na lamang si Brent. Sa loob niya, na­dagdagan pang lalo ang kanyang paghanga sa mama ni Leah.

(Itutuloy)

Show comments