^

True Confessions

Suklam (133)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Sumagot ka Leah! Bakit umalis ang papa mo? Anong nangyayari diyan? Magsalita ka!’ Iyan ang sumisigaw na sabi ni Mama sa akin nang nag-uusap kami sa phone.

“Sinabi ko ang lahat na si Papa ay lumayas sa bahay, dala ang mga damit at sumama na sa kanyang kinalokohang babae. Sinabi ko rin kay Mama na walang sinabi si Papa nang umalis ito. Para bang robot na uma­lis nang walang paalam.

Pagkatapos kong masabi iyon ay muli akong umiyak,

“Sabi ni Mama uuwi raw siya. Hintayin daw namin ang pag-uwi niya. Sa sinabi­ o Mama na uuwi siya ay bigla akong nagkaroon ng sigla­. At nadasal ko na sana ay hindi na umalis pa si Mama. Gusto ko magka­sama na kami ni Mama.

“Makalipas ang dalawang araw, dumating si Mama. Gabi siya dumating. Mahigpit naming niyakap si Mama. Umiyak din si Mama.

“Kinabukasan, nalaman­ ni Mama na naubos pala ang mga ipinadadala niya kay Papa. Umaasa siyang may naiipon sila pero winaldas pala ni Papa—at malamang sa babae niya.

“Umiyak nang umiyak si Mama sa natuklasan. Ang pinaghirapan niya ay nawala sa isang iglap!”

(Itutuloy)

vuukle comment

LEAH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with