^

True Confessions

Suklam (130)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Nakadama ng awa si Brent kay Leah. Ang naramdaman ni Leah noon ay naramdaman din niya. Magkapareho ang na­ranasan nila ni Leah. Iisa ang kanilang naranasan. Pinagtagpo ba talaga sila ni Leah?

Tumigil si Leah sa pag-iyak. Dumampot si Brent ng tissue paper na nasa ibabaw ng mesita. Iniabot kay Leah.

“Thanks, Brent. Pa­­sen­siya ka na. Iyakin talaga ako.’’

“Okey lang, Leah.’’
Pinahid ni Leah ang luha sa mga mata.

Pagkaraan ay nagpa­tuloy sa pagkukuwento ukol sa papa nito na nam­ba­bae habang ang mama niya ay nasa Hong Kong at nagtatrabaho bilang do­mestic helper. Nasa high school pa noon si Leah.

“May trabaho dati si Papa pero nang mag-ab­road si Mama ay tumigil na sa pagtatrabaho at ang pambababae ang inasikaso. Bukod sa pambababae, nalulong din sa sugal si Papa.

“Narinig ko minsan ang pag-uusap nila ni Mama sa cell phone na humihingi pa ng dagdag na pera kay Mama. Kulang daw ang pinapadala. Marami raw binabayaran sa school at sa mga gastusin sa bahay. ‘Yun pala, ginagastos sa babae at sa sugal.

“Minsang tuma­wag sa akin si Mama, nahalata na matamlay ako. Ano raw prob­lema ko. Bigla akong umiyak!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with