^

True Confessions

Suklam (128)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“NAPANSIN ko lang Leah, wala yata ang papa mo sa family picture. Pasensya ka na, naitanong ko lang,’’ sabing nagpapaumanhin ni Brent.

“Wala nga siya,’’ sabi ni Leah sa mahinang boses.

Hindi na nagtanong si Brent sapagkat nadarama niya na parang ayaw pag-usapan iyon ni Leah.

At saka nakakahiya rin dahil ngayon lang siya nakadalaw sa dalaga e kung anu-ano na ang tinatanong niya.

“May malaking istorya kasi, Brent kung bakit wala si Papa sa picture,’’ sabi ni Leah pagkaraan.

“Tutal naman at magkaibigan na tayo, puwede ko nang i-share sa iyo ang mga nakatagong kuwento sa aming pamilya. Gusto ko rin naman na may ma­pagkuwentuhan para mala­man ko ang opinion tungkol dun.

“Wala si Papa sa picture frame dahil iniwan niya kami. Inabandona. At dahil iyon sa babae. Mas ginusto pa niyang kasama ang kanyang babae kaysa sa aming tunay na mga anak. Mas ginusto pa niyang kasama sa bahay ang kalaguyo kaysa sa amin na kanyang dugo at laman.

“Nagsimula ang lahat­ nang mag-domestic helper si Mama sa Hong Kong. Habang nagbabanat ng buto si Mama sa Hong Kong, nambababae naman si Papa. Ang masakit, iniuuwi pa niya rito sa bahay ang babae…” tumigil sa pagkukuwento si Leah at umiyak.

Itutuloy

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with