^

True Confessions

Suklam (7)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“NASUNDAN pala ng mister­ ang misis habang kasama ang kalaguyo. Hindi hi­niwalayan hanggang sa makapasok sa motel­,’’ sabi pa ng tatay ni Brent habang na­ka­tutok sa TV at pina­no­nood ang pagkakahuli sa lalaki at babae sa loob ng motel.

“Puwede palang magsama ng pulis at ipaaresto ang mga wa­­langhiya! Dapat sa ganyan ay ikinukulong­ talaga para hindi pa­­ma­risan­. Siguro pareho may asawa yan,’’ sabi pa ng tatay ni Brent.

“Ang kawawa at hi­yang-hiya siguro ay ang mga anak ng mga yan. Lalo yung anak ng babae. Marami ang naka­kita na nahuli ang kanilang ina sa motel. Kawawa naman ang mga anak! Ka­kahiya ang ginawa ng kanilang ina,’’ sabi pa ng tatay ni Brent na dalang-dala sa pinanonood na news.

“Sa Saudi yata at sa Iran, kapag nahuling nangangaliwa ang babae e binabato sa plaza. Totoo kaya yun, Brent?’’

“Sabi raw po, Tatay. Mahigpit po kasi ang batas sa Saudi at iba pang bansa sa Middle East.’’

“Naku kung ganyan­ ang parusa rito sa Pilipinas, maraming baba­tuhin sa parke—daming ‘makakati’ rito!’’

Napatango si Brent.

Naalala niya ang superbisor na si Vivian­ at kasamahang si Oscar na nahuli niyang nagtatalik sa stockroom. Kung pagbato ang parusa, tiyak na yun ang sasapitin ni Vivian. Tama ang tatay niya na maraming “makakati”.

Nang muli niyang sulyapan ang kan­yang­ tatay, tulog na ito sa pagkakaupo. Pinatay niya ang TV. (Itutuloy)

vuukle comment

MOTEL

TV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with