^

True Confessions

Suklam (1)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Binata si Brent, 25, empleyado sa isang pribadong kompanya na nagsu­suplay ng mga gamit sa construction. Limang taon na rin siyang empleyado rito at maayos naman ang kanyang kalagayan. Kahit hindi gaanong kalakihan ang suweldo ay kaya namang suportahan ang kanyang ama at kapatid.

Wala pa siyang kabalak-balak mag-asawa. Wala rin siyang nililigawan. Sa kanilang kompanya ay may mga ka­opisina siyang babae na ma­gaganda rin naman pero wala siyang interes. Merong itinutukso sa kanya pero wala siyang madama.

Ang tanging isasagot niya kung bakit walang nililigawan, ang tanging isasagot niya ay wala pang plano sa pag-a­asawa. Sabi pa niya, madali nang makahanap ng babaing mapapangasawa. Hindi naman siya nagmamadali.

“Sayang naman ang kapo­gian mo,” sabi ng superbisor na si Vivian. Sexy si Vivian kahit sa pagkaalam niya ay dalawa na ang anak. Malandi kung tumi­ngin si Vivian at tila malikot ang mata na parang nang-aakit.

Ngiti lamang ang igaganti niya kay Vivian. Pero ang totoo, nanliliit siya kapag tinitingnan ni Vivian na parang inaakit siya. Basta kakaiba ang mga sulyap sa kanya ni Vivian.

Tuwing Sabado ay nag-o­obertaym si Brent. Apat silang lalaki na obligadong mag-OT. At nagtataka naman siya na kahit hindi OT si Vivian ay nasa opisina ito. Siguro ay dahil superbisor ito at maraming inaasikaso.

Breaktime nila. Tinungo ni Brent ang stockroom para kunin ang inorder na gamit. Idedeliber na ito ng ala-una ng hapon kaya dapat naka­handa na.

Pagpasok niya sa stockroom ay nakarinig siya ng la­ngitngit ng mesa. Madalas ang langitngit na parang nililindol.

Dahan-dahan siyang nag­lakad patungo sa kinaroro­onan ng langitngit.

Nang sumilip siya sa pagitan ng shelves, nakita niya si Vivian at ang kasamahang lalaki—nagsi-sex!

(Itutuloy)

vuukle comment

CONSTRUCTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with