Dioscora (327)
(Ang babaing hindi niya malilimutan)
Nagpapasalamat si JC at pinayuhan siya ng kapatid na si Maria na huwag nang ipagtapat kay Shappira ang mga nangyari kay Simon Pedro at Mam Dioscora. Iyon din pala ang hihilingin ni Mam. Tama ang kanilang pasya na ilibing na lamang sa limot ang mga nakaraan. Hindi na dapat hukayin ang nakalibing na lihim sapagkat may masasaktan.
Lumabas ng kanyang kuwarto si JC at nagtungo sa salas. Pinagmasdan niya ang portrait ni Mam Dioscora.
Umusal siya ng dasal para rito.
“Pangako Mam, walang malalaman si Shappira. Ang lahat ng mga sinabi mo sa akin ay mananatiling lihim. Iingatan ko—namin ni Maria ang mga ipinagtapat mo. Hindi kami sisira sa pangako.
“Saan ka man naroon ngayon, sana ay masaya ka at wala nang dinadalang biga’t Siguro ay masaya na kayong magkapiling ni Nicodemus. Alam ko kung gaano mo kamahal si Nicodemus.
“Hindi ko rin malilimutan ang iniukol mong pagmamahal sa akin. Hindi kita malilimutan, Mam. Kahit kailan, mananatili ang alaala mo sa akin.’’
Tumungo si JC. Pagkaraan ng ilang segundo ay muli siyang tumunghay sa portrait ni Mam Dioscora.
At hindi siya makapaniwala na nakangiti ito sa kanya. Napakatamis ng ngiti ni Mam. Wala nang problema.
Alam ni JC, natutuwa si Mam sa mga pangako niya.
Kinabukasan, hindi inaasahan ni JC ang pagtawag ni Shappira. Mayroon itong ibinalita.
(Itutuloy)
- Latest