^

True Confessions

Dioscora (313)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

(Ang babaing hindi niya malilimuta)

Makalipas ang tatlong buwan, nagbalik si Shappira at tinupad ang pangako kina JC at Maria na pagtatayo ng Dioscora Foundation na ang mga benepisyaryo ay mga kabataang mahihirap na walang kaka­yahang mapag-aral ng mga magulang. Inilagak lahat ni Shappira ang kanyang namanang pera kay Simon Pedro. Ayon kay Shappira mas matutuwa ang kanyang mommy sa­pagkat maraming ka­pus­palad na matutulungan.

Si JC at Maria ang namamahala sa foundation. Sabi ni Shappira sa magkakapatid, nagtitiwala siya sa mga ito gaya nang pagtitiwalang ipinagkaloob ng kanyang mommy rito. Naniniwala siya na magtatagumpay ang Dioscora Foundation at maraming mahihirap na bata ang mapag-aaral at mahahango sa kahirapan.

“Tiyak na matutuwa si Mommy kung saan man siya naroon ngayon na ang kanyang sinimulan ay nagpapatuloy. At ang nagpapatuloy ng kanyang nasimulan ay kayong magkapatid. Salamat sa inyo.’’
“Salamat Shappira,’’ sabi ni JC.

“Hindi ka naming mali­limutan, Shappira,’’ sabi ni Maria.

Makalipas ang isang taon, namayagpag pang lalo ang kompanya ni JC. Nalampasan pa ang mga ginawa ni Simon Pedro.

Maraming Japanese investors at businessmen ang dumalaw sa bansa at binati si JC. (Itutuloy)

JC

MARIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with