^

True Confessions

Dioscora (308)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

(Ang babaing hindi niya malilimutan)

Kinabukasan, bago magtungo kay Shappira, kinausap nang masinsinan ni JC ang kapatid na si Maria.

“Naguguluhan ako kung ipagtatapat pa kay Shappira ang mga sinabi ni Mam Dioscora ukol kay Simon Pedro. Dapat pa bang ma­laman ni Shappira ang mga ginawang pang-aabuso ni SP kay Mam?’’

“Kung ako sa’yo Kuya, hindi ko na sasabihin. Wala akong ikukuwento kay Shappira.’’

“Bakit?’’

“Magugulo lamang ang isipan ni Shappira kapag nalaman ang ginawa ni SP kay Mam. Ikaw na rin ang nagsabi na mataas ang pagtingin ni Shappira sa kanyang lolo. Wala itong nalalaman na masamang ginawa ng matanda. Maski nga sa mga empleyado niya ay napakabait. Tapos, sasa­bihin mo ang mga ginawa nitong pang-aabuso sa manugang. Huwag na Kuya, huwag mo nang ipag­tapat kahit ano. Tama na ang mga naikuwento mo kay Shappira.’’

Nanatiling tahimik si JC.

“At saka Kuya, dalawang tao ang nagkuwento sa’yo ng mga nangyari. Bawat isa sa kanila, may sariling kuwento, paano ka nakasiguro na totoo ang sinasabi nila. Hindi mo alam kung sino ang nagsasabi ng totoo at nag-iimbento lang. Kaya payo ko Kuya, wala ka nang sasabihin kay Shappira —maski ang nangyari sa inyo ni Mam —na nakalimot ka at nagsalo kayo ng ilang beses…’’

Napatango si JC bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Maria.

“Tama ka Maria—wala na akong dapat ipagtapat pa kay Shappira.’’

(Itutuloy)

JC

MARIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with