^

True Confessions

Dioscora (293)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

(Ang babaing hindi niya malilimutan)

Sa mga mukha ng empleyado at iba pang opisyal ng kompanya, nasi­si­yahan sila at si JC ang magpapatakbo­ nito. Naniniwala sila sa kakayahan­ ni JC. Sa ilang taon na paglilingkod nito, napatunayan nilang mahusay at hindi matatawaran ang kakayahan ni JC. At positibo sila na mapauunlad pang lalo ni JC ang kompanyang sinimulan ni Simon Pedro.

Nang mapag-isa na si JC sa kanyang opisina, nakahinga siya nang maluwag. Kanina habang kausap ang ibang pang department head, hindi siya mapakali at nag-aalinlangan pa rin kung karapat-dapat nga ba siyang pamunuan ang kompanya. Nawawalan siya ng tiwala sa sarili. Kaya ba niya ang pinakamataas na posisyon?

Pero makaraang ma­­kausap ang mga hepe at mga empleyado mismo at nagpakita nang mainit na pagtanggap, ganap siyang naniwala sa kakayahan. Kakayanin niyang pamunuan ang kompan­yang itinayo ni Tatay SP. At nanga­ngako siya na pauunlarin pa ang kompanya.

ISANG araw may tinanong si JC sa de­partment head na si Mark. Matagal na itong naglilingkod sa kompanya.

“Mark, may nababanggit ba si Tatay SP tungkol sa kanyang apo?”

“Apo? Wala namang apo si SP.’’

(Itutuloy)

JC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with