^

True Confessions

Dioscora (287)

Pilipino Star Ngayon

(Ang babaing hindi niya malimutan)

“Ganyan ang nari­nig ko kanina Kuya! Dalawang tao ang nag-uusap at ang topic ay ang tungkol sa pagiging opisyal ng kompanya,’’ sabi ni Maria.

“Nagtatalo ba sila?’’

“Oo!’’

“Paanong nagtatalo at tungkol saan ang pi­nagtatalunan?’’

“Parang pinipilit ng ma­tanda ang anak na maging pinuno ng kompanya pero tumatanggi ang bata—nagsisigawan sila.’’

“Sa palagay mo ayaw ng anak sa gusto ng ama?’’

“Parang ganun ang pagkaintindi ko Kuya. Tutol siya na maging pinuno ng kompanya. Against siya sa gusto ng ama.’’

Natigilan si JC. Nag-isip siya.

Naalala niya ang mga sinabi ni Mam Dioscora na noon pa raw ginu-groom ni Simon Pedro ang anak na si Nicodemus para ma­ging pinuno ng kompanya. Sa pagkukuwento ni Mam, iba ang linya ni Nicodemus. Gusto rin nito ay tumayo sa sarlling mga paa. Ayaw nitong magtagumpay kung ang ama rin lang ang dahilan. Sabi ni Mam, gustong magtagumpay ni Nicodemus sa sariling pagsisikap. Nasabi pa nga raw ni Nicodemus na tatalunin ang ama at hihigitan ang nagawa nito. Ang paggiit daw ni Simon Pedro na maging pinuno ng kompanya ang anak ang laging pinagta­talunan ng mga ito. Madalas daw magsigawan ang mag-ama dahil dun. Ayon pa kay Mam Dioscora, isa rin daw sa dahilan kaya sila umalis sa mansion ni Simon Pedro ay tungkol sa paggiit nito na maging pinuno ng kompanya. Para raw matigil na ang kanilang pagtatalo ay kailangang umalis sila.

Umalis nga sila sa mansion at nagtayo ng sariling negosyo pero hindi nagtagal at bumagsak. Ipinasya ni Nicodemus na magbalik  sa mansion ni Simon Pedro dahil naghihirap na sila. Pero sabi ni Mam, kung siya lamang ang masusunod, ayaw niyang magbalik sa mansion. Isa pa, ayaw na raw niyang maranasan ang mga ginagawa sa kanya ni Simon Pedro na inaabuso siya—pinagsasamantalahan siya ng biyenan.

“Palagay ko tama ang mga narinig mo Maria—may nagtatalo nga! May nagsisigawan nga!’’

“Sino yun Kuya?’’

“Si Simon Pedro at Nicodemus!”

Hindi makapaniwala si Maria. May hiwagang nangyayari. Ayaw pa ring humiwalay si Nicodemus—ayaw matahimik ang kaluluwa. (Itutuloy)

KUYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with