^

True Confessions

Dioscora (163)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

(Ang babaing hindi niya malilimutan)

Tuluyan nang napaiyak ang asawa ni Mulo na si Elsa—naiyak dahil sa katuwaan na magkakaroon na ng trabaho si Mulo.

“Huwag ka nang umiyak Elsa at bukas na bukas, may trabaho na si Mulo. Kahit magkanong suweldo ibibi­gay ko,’’ sabi ni JC.

“Naku, salamat JC. Noon ka pa nga balak puntahan ni Mulo sa tirahan ninyo pero nahihiya. Ilang beses binalak na puntahan ka.’’

“Sana nagpunta ka, Mulo. Di ba alam mo naman ang tirahan namin malapit sa Santo Domingo?’’

“Oo JC. Pero nahihiya nga ako sa’yo. Pakiramdam ko kasi e hindi na ako na bagay makiusap sa’yo dahil asensado ka na.’’

“Ako pa rin ang dating kakilala mo, Mulo. Hindi ko nalilimutan ang pagsasa­mahan natin at saka di ba nangako ako sa’yo na isasama kita kapag asensado na ako —at ngayon ‘yun.’’

Lalo pang ngumuyngoy si Elsa. Pinakalma ito ni Mulo. Tumigil si Elsa.

“Dito ka na kumain, JC. Siguro naman ay kumakain ka pa ng paksiw na bangus.’’

“Aba siyempre naman lalo kung may ginisang monggo.’’

“’Yun nga ang ulam namin ngayon ha-ha-ha!’’

“Sarap niyan. Sige malakas ako sa kanin,”” sabi ni JC.

Binalingan ni Mulo si Elsa at sinabing maghain na.

Habang naghahain si Elsa ay nagkukuwentuhan sina JC at Mulo.

“Bakit isinara ni Kuya Dads ang shop, Mulo?’’

“Nag-abroad siya—sa Saudi. Ayaw nga sana pero malaki yata ang offer sa Saudi. Nag-alala nga sa akin si Kuya Dads dahil nawalan ako ng kayod. Pero sabi ko, okey lang. Makakakita rin ako.”

“Mabuti naman at nasa abroad na pala siya.’’

“Marami na rin kasi ang pag-aaralin na anak kaya nag-abroad.’’

“Hindi ko rin malilimutan si Kuya Dads. Naging mabait din siya sa akin.’’

“E ikaw JC, talaga bang mataas na ang posisyon mo?’’

“Oo. Baka dumating ang araw, ako na ang presidente ng kompanya.’’ (Itutuloy)

ELSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with