^

True Confessions

Dioscora (149)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Ang babaing hindi niya malilimutan

“Wala na si Nicodemus. Last year pa siya namatay,’’ sabi ni Tatay SP na bahagyang gumaralgal ang boses. Parang masakit sa kanyang alaala ang pagkawala ng anak na si Nicodemus.

Matagal bago naka­pagsalita si Tatay SP at humingi pa ng paumanhin kay JC sa pagkakataong iyon.

“Sorry at masyado na yata akong emosyonal. Siguro’y talagang ganito ang ama—lalo kung na­bigo…’’

Napatangu-tango na­man­ si JC bilang pagsang-ayon o pakikisimpatya kay Tatay SP.

“Katulad ko rin ba ang father mo Jose Crisanto? Emosyonal din ba siiya?’’

“Opo. Pero tahimik po siya. Kahit na may nararamdaman, hindi sinasabi. Kaya po nang mamatay siya, masyadong masakit po.’’

“Ano ba ang ikinamatay niya?’’

“Atake po. Inabot habang nasa construction. Isinugod sa ospital pero hindi na umabot.’’

“Oh sorry to hear that. Kaya nang mamatay siya, ikaw na talaga ang nagpaaral sa sarili mo.’’

“Opo.’’

“Great. Nakakahanga ka, Jose Crisanto.’’

“Salamat po.’’

“Balik tayo sa anak ko—kay Nico­demus…’’

Pero bago naituloy ni Tatay SP ang pag­kukuwento sa anak, biglang tumunog ang cell phone nito. Sinagot.

“Yes! Ah, okey. Thanks,’’ sabi sabay patay sa CP.

“I have to go Jose Crisanto. May meeting­ nga pala sa ako sa Japanese na may-ari ng isang car company. Gustong makipag-deal. Next time, kuwentuhan uli tayo.’’

“Opo Tatay SP. Salamat po uli.’’

Umalis na si Tatay SP.

Naiwang nag-iisip si JC.

(Itutuloy)

NICODEMUS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with