^

True Confessions

Dioscora (147)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Ang babaing hindi niya malilimutan

“Masyado na yata akong nagiging emo­s­yonal, pasensiya ka na Jose Crisanto. Ganito na talaga siguro ang taong ma­lapit nang lubugan ng araw,’’ sabing matalinhaga ni Tatay SP.

“Okey lang po, Tatay SP. Sa tingin ko naman po sa iyo ay hindi ka pa lulu­bugan ng araw. Napakasigla mo po.’’

“Salamat, Jose Crisanto­. Nakakapagsalita kasi ako ng ganun kapag naaalala ko ang aking anak. Hindi ko maiwasan na maging emosyonal. Mayroon pa ngang mga sandali na habang inaalala ko ang aking anak ay tumutulo ang aking luha. Hindi ko mapigilan…’’

Muling tumigil si Tatay SP sa pagsasalita.

Nanatili namang naka­tingin si JC sa matanda. Sa totoo lang, nasasabik siya sa inilalahad ni Tatay SP at gusto niyang malaman ang buong kuwento ng anak nito. At hindi rin naman malaman ni JC kung bakit siya kinakabahan—aywan niya—nga­yon lamang siya nakadama ng ganitong klase ng kaba.

“Baka naaabala kita Jose Crisanto—may gina­gawa ka pa yata. Tapusin mo ang ginagawa mo at aalis na ako.’’

“Tapos na po ang gi­nagawa ko Tatay SP. Nang dumating ka po kanina, tapos na ang isu­sumite kong proposal sa meeting.’’

“Ganun ba?’’

“Opo.’’

“Gusto ko kasing ma­laman mo ang story ng anak ko—na nahahawig sa’yo.’’

“Ano po ba ang name ng anak mo Tatay SP?’’

“Nicodemus.’’

(Itutuloy)

JOSE CRISANTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with