^

True Confessions

Dioscora (130)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

(Ang babaing hindi niya malilimutan)

“Napansin mo pala ang pagdaan ko sa Recto,’’ sabi ni Mam.

“Dalawang beses na Mam.’’

“Paminsan-minsan, tumitira ako sa Morayta at kung minsan, sa Paco. May araw na umuuwi ako sa Sta. Ana.’’

“Bakit po?’’

“Para hindi ako matunton ng mga taong nagta­tangka sa akin.’’

Napamaang si JC. Ga­nito pala talaga kagrabe ang sitwasyon. Naisip ni JC, hindi pangkaraniwan ang problema ni Mam. May sumusubaybay sa kanya.

“Kaya napansin mo nang dumalo ako sa gra­duation mo, nagmamadali ako. Nag-aalala ako na may sumusubaybay sa akin sa pagtungo sa graduation mo.’’

“Napansin ko nga po na hindi ka mapakali at panay ang tingin mo sa mga tao sa paligid. Maski po si Maria ay napansin din yun.’’

“Delikado kasi kapag ma­raming tao. Hindi mo alam na may lalapit na lang at saka ka babarilin.’’

“Sabagay nga po.’’

“Kaya nagmamadali akong umuwi nung graduation mo.’’

“Ba’t hindi ka po kumuha ng bodyguard?’’

“Hindi na. Baka lalong lumaki ang problema.’’

Maya-maya sinabi ni Mam na dapat na silang umalis sa restaurant.

“Ipadadala ko na lamang ang kailangan mong pera. Lahat nang gagawin ay nasa notebook. Maaaring matatagalan bago uli tayo magkita, JC. Mabuti na ang nag-iingat. Ikumusta mo ako kay Maria. Ikuwento mo sa kanya ang napag-usapan natin. Mabuting alam niya ang mga nangyayari sa akin.’’

“Mam hindi kaya kami delikado sa bahay?”

“Hindi. Sige, JC, mauna ka nang umalis at baba­yaran ko lang ang bills. Salamat sa gagawin mo para sa akin.’’

“Salamat din Mam.’’

Kinagabihan, inum­pisahan nang basahin ni JC ang nakasaad sa notebook. Kailangang maisagawa niya ang nakasaad dito. Alang-alang kay Mam.

(Itutuloy)

vuukle comment

RECTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with