^

True Confessions

Dioscora  (72)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

(Ang babaing hindi niya malimutan)

“Ibig mong sabihin bigla na lang kayong nagkita ni Mam nang lumabas ka sa school?’’ tanong ni Maria.

“May pinuntahan daw siyang dating classmate noong college sa university namin na dean na ngayon. Noon lang daw sila nagkita after so many years. Nagkuwentuhan sila nang napakatagal at ‘yun, nang palabas na siya ng gate ng unibersidad nakita niya akong naghihintay ng dyipni.’’

“Posible ‘yun Kuya. Galing pala siya sa school n’yo kaya talagang ma­kikita ka niya sa paglabas. Puwedeng mangyari ‘yun.’’

“Pero ganun ba sila katagal magkuwentuhan ng friend niya—halos ina­bot ng gabi?’’

“Puwede. Sa tagal nilang hindi nagkita ng friend niya, puwedeng ganun katagal. Marami silang pinagkuwentuhan. Alam mo naman ang mga babae, maraming kuwento.’’

Nag-isip si JC.

“Bakit nagdududa ka Kuya?’’

Tumango si JC.

“Anong pagdududa?’’

“Talagang inabangan niya ako sa lugar na iyon.’’

“Ibig mong sabihin, hindi totoong may kausap siyang classmate o dean sa uni­bersidad?’’

Tumango si JC.

“E bakit?’’

“Kasi isa pang pinagtataka ko, bakit niya ako yayayaing kumain e di ba dapat silang mag-classmate ang kumain dahil matagal silang hindi nagkita. At saka halata ko na gutom si Mam.’’

Nag-isip si Maria.

“Isa pang pinagtataka ko, bigla siyang sumulpot mula kung saan na para bang ina­abangan talaga ako. Nang nakatayo na ako sa bangketa ay big­lang tumigil ang kotse niya sa harap ko.’’

“Parang hindi ako maniwala na ina­aba­ngan ka niya Kuya. Ano naman ang dahilan at aabangan ka—at sa ganung oras ng gabi.’’

“Basta ‘yun ang hinala ko.’’

(Itutuloy)

MARIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with