Kaibigan (212)
Limang taon ang lumipas. Pinaplantsa na nina Dex at Lara ang planong pag-uwi sa Pilipinas. Sure na sure na sila sa balak na pagbili ng lupain na tatamnan nila ng mga punong namumunga at iba pang halaman na pagkakakitaan. Malaki-laki na rin ang matatanggap nilang separation pay. Malaki na rin ang kanilang savings na sobra-sobra pa sa balak nilang bilhing lupa. Isa pang dahilan kaya gusto na nilang tumigil sa pagsa-Saudi ay dahil sa anak nilang si King na mag-aaral na. Mas gusto nilang sa Pinas ito mag-aral.
“Tuloy na tuloy na ang balak nating pag-uwi sa Pinas, Lara. Wala nang makakapigil,’’ sabi ni Dex isang gabi habang nasa higaan. Natutulog na ang anak nilang si King.
“Oo Dex. Plantsahin na nating mabuti para pag-uwi natin, preparado na tayo.’’
“Alam ko na ang mga gagawin, Lara. Mayroon na akong layout para hindi magkamali sa mga gagawin.’’
“Mabuti. Isa pa kaya gusto ko na talagang makauwi ay dahil sa pag-aaral ni King. Papasok na siya next year at gusto ko, sa Pinas siya magsimulang mag-aral. Mas matatag ang pundasyon kung dun siya mag-aaral.’’
“Ako rin, mahalaga sa akin ang edukasyon ni King kaya pinal na ang desisyon, uuwi na tayo.’’
“Wala naman tayong problema sa finances dahil marami na tayong naipon plus ang ating separation pay. Baka sobra-sobra pa ang maiuuwi nating pera.’’
“Wala tayong problema sa pera Lara. Pagdating natin sa Pinas may sarili pa tayong bahay.’’
“Oo nga.’’
“Sa palagay mo may mabibili tayong lupain sa Nagcarlan na ating tataniman?’’
“Meron. Nakontak ko ang isang dating classmate at mayroon siyang alam na lupang ipinagbibili.’’
“Good. Wala na talagang problema.”
(Itutuloy)
- Latest