^

True Confessions

Kaibigan (206)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Alam mo Dex, hindi ko akalain na ang pagi­ging magkaibigan natin ay hahantong sa pag-iibigan,’’ sabi ni Lara nang kumakain na sila ng masarap na hapunan sa hotel na tinutuluyan nila. “Talaga kayang nakatadhana na tayong dalawa ang magkakatuluyan? Pagkaraan ng mga nangyari?’’

“Siguro Lara. Eto at nangyari na nga. Talagang tayong dalawa. Imagine, hinanap kita noong umalis ka sa bahay tapos hindi kita matagpuan. Kung saan-saan ako nakarating para ka hanapin at hindi kita makita. Sa totoo lang, gusto ko nang mag-give-up dahil naisip ko, mayroon ka nang pamilya. Sabi ko sa sarili, baka nagsasayang lang ako ng oras sa paghahanap sa’yo. Litung-lito ako nun.’’

“Pero wala ka pang nararamdaman para sa akin nun? I mean hindi mo pa ako mahal o iniibig?’’

“Ewan ko kung ano ang nararamdaman ko. Basta ang nasa isip ko nun ay makita kita. Gustung-gusto kitang makita, Lara.’’

“Kung ganun, e di mahal mo nga ako. Sino ba naman ang mag-aaksayang maghanap sa isang tao kung wala siyang nadarama. Siyempre may espesyal na damdaming nadarama ka kaya gusto mo akong makita.’’

“Oo nga Lara. Ganun nga ang nararamdaman ko. Hindi ako mapakali hangga’t hindi kita nakikita. Pati nga ang pinsan mo sa Makati e pinuntahan ko at nagbakasakaling nalalaman niya ang kinaroroonan mo.’’

“A oo nasabi mo nga sa akin.’’

“Tapos may pagkakataon pa na marami akong napagkakamalang babae habang nakatalikod at naglalakad nun sa Recto Avenue. Akala ko ikaw ang babae. Hiyang-hiya ako!’’

“Talaga? Ano namang itsura ng girl?’’

“Naku pa---t!’’

“Para itong sira kung makapintas.’’

“Talaga naman.’’

“Nagalit ang girl?’’

“Hindi naman. Nag-sori agad ako.’’

“Ang dami mo palang karanasan sa paghahanap sa akin, Dex.’’

“Oo.’’

“Ako naman, nahihiyang magtungo sa bahay mo. Ewan ko ba. Tapos nga nalaman ko na may-asawa ka na pala—si Tess nga. Sinubaybayan ko kayo. Tapos itinigil ko na. Nagbalik ako sa Saudi. Nang bumalik ako, nalaman ko, biyudo ka na. Ayun, nagpakita na ako sa’yo. At eto, mag-asawa na tayo. Hindi ko akalain talaga.’’

“Pero happy ka talaga na asawa mo na ako?’’

“Oo naman. Haping-hapi!’’

KINABUKASAN, sa beach na sila nagbabad. Para silang mga bata na naghabulan sa tubig.

(Itutuloy)

KINABUKASAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with