^

True Confessions

Kaibigan (193)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

 “Hindi ka natatakot sa ibibigay kong parusa?’’ tanong ni Lara kay Dex.

“Hindi. Kahit anong parusa makakaya ko basta mawala na lamang ang galit mo sa akin.’’

“Kahit masakit na parusa makakaya mo?’’

“Oo. Titiisin ko. Kaya ko namang magtiis.’’

“Hindi ka magrereklamo?’’

“Hindi. Ang maha­laga sa akin ngayon ay mawala ang galit mo at anumang parusa na ibibigay mo—masakit man o mahapdi, kakayanin ko. Hindi ako tatanggi sa anumang parusa kung iyon ang makakapagpapawala ng galit mo.’’

Tiningnan nang tuwid ni Lara si Dex. Walang kakurap-kurap. Parang may binabasa ito sa pagkatao ni Dex.

Hindi naman kayang makipagtinginan ni Dex kay Lara kaya nagbaba siya ng tingin.

“Dapat lang kitang parusahan dahil sa ginawa mo. Pumasok ka nang walang pahintulot sa room ko at pinagpistahan mo ang katawan ko. Kung hindi kita parurusahan ay baka isipin mong ayos lang sa akin ang ginawa mo. Ang lahat nang ginawang pagkakamali ay may katapat na kaparusahan.’’

“Tatanggapin ko. Ano bang parusa ‘yun, Lara?’’

“Bukas mo malalaman.’’

“Bukas? Paano?’’

“Pumunta ka rito ng ekskaktong alas dose ng hatinggabi. Dito ko sasabihin ang parusa mo. Maliwanag?’’

“Oo, Lara. Darating ako ng eksakto twelve ng gabi.’’

“Sige makaaalis ka na.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

LARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with