Kaibigan (112)
‘‘Ba’t mo naman naisipan na mag-beach tayo?’’ tanong ni Tess na halatang excited.
‘‘Nakakasawa na puro na lang tayo pasyal sa mall. Maganda naman kung sa ibang lugar tayo. Naisipan ko, punta tayo sa Puerto Galera. Maganda raw doon—mas maganda pa sa Boracay.’’
‘‘Ba’t mo alam?’’
‘‘Sabi ng isang kakilala ko na kagagaling lang dun.’’
‘‘Talaga?’’
‘‘Oo. Malapit pa.’’
‘‘Saan tayo sasakay?’’
‘‘Barko—sa Batangas City. Tatawid tayo ng dagat patungong Mindoro.’’
‘‘Ay ang sarap! Hindi pa ako nakakasakay ng barko.’’
‘‘Parehas tayo. First time ko ring sasakay ng barko.’’
‘‘Kailan tayo aalis, Dex?’’
‘‘Sa Sunday na. Magpapa-reserve na ako ng titirahan natin sa Puerto. Gusto ko one week tayo roon.’’
‘‘Bakasyon grande tayo, Dex?’’
‘‘Oo. Malay mo dun tayo makaasembol, he-he-he!’’
Kinurot ni Tess si Dex.
‘‘Kailangan pagbalik natin naglilihi ka na.’’
‘‘Sobra naman ‘to!’’
‘‘Masarap kayang mag-make love sa tabing dagat?’’
‘‘Ewan ko.’’
‘‘Subukan natin ha?’’
Kinurot uli ni Tess si Dex.
Alas kuwatro ng madaling araw umalis sina Dex at Tess patungong Batangas. Kailangang makaabot sila ng barko na aalis ng 8:30 a.m patungong Puerto Galera.
Tamang-tama ang dating nila sa Batangas port sapagkat nakatakda nang umalis ang barko patungong Puerto.
Eksakto 8:30 ng umaga, umalis ang barko. Hindi karamihan ang pasahero. Nakahawak nang mahigpit si Tess sa braso ni Dex. Nakaupo sila sa airconditioned room ng barko.
‘Tumatakbo na ba tayo, Dex?’’
‘‘Oo.’’
‘‘Hindi ko maramdaman.’’
Makalipas ang dalawang oras, nasa Puerto Galera na sila.
Hangang-hanga sila sa ganda ng lugar.
Nagpahinga lang sila at kumain at saka namasyal na sa dalampasigan.
(Itutuloy)
- Latest