Kaibigan (98)
‘‘Baka maalikabok na ang loob ng kuwarto ay ma-allergy tayo,’’ sabi ni Tess.
‘‘May allergy ka ba?’’
‘‘Oo. Kapag maalikabok, nangangati ang ilong ko at saka nagluluha ang mga mata ko. Sensitive ang ilong ko at mata sa alikabok.’’
‘‘Ganun ba? Sige linisan natin. Pero hula ko wala pang gaanong alikabok ang kuwarto dahil kalilinis ko rin lang.’’
‘‘Ako na lang ang maglilinis. Kayang-kaya ko ‘yan.’’
‘‘Tutulungan kita. Pagod ka na sa paggawa rito.’’
‘‘Hindi naman.’’
‘‘Ayaw kong napapagod ka.’’
‘‘Weee!’’
‘‘Kukunin ko lang ang susi.’’
Nang makuha ang susi at bubuksan na ni Dex ang kuwarto, nagtanong si Tess.
‘‘Ano bang laman ng kuwartong ‘yan?’’
‘‘Mga damit at mga personal na gamit ng kaibigan ko. Diyan sila tumira ng kanyang misis.’’
‘‘Kaibigan? Sinong kaibigan?’’
‘‘Si King at asawang si Lara.’’
‘‘Lara? Di ba siya ‘yung ipinasok mo sa office natin — ’yung namatay ang asawa?’’
‘‘Oo. Matalik kong kaibigan ang mag-asawa. Dito ko sila pinatira. Parang kapatid na ang turing ko sa kanila.’’
‘‘Nasaan na si Lara?’’
‘‘Hindi ko alam. Wala na akong balita.’’
Binuksan ni Dex ang kuwarto. Binuhay ang ilaw.
‘‘Malinis pa di ba Tess? Walang alikabok.’’
Yumuko si Tess at kinuhit ang sahig.
‘‘Meron! Tingnan mo ang daliri ko—maputi.’’
‘‘Hindi naman gaano.’’
‘‘Pupunasan ko ang sahig.’’
(Itutuloy)
- Latest