Kaibigan (91)
Naaaninag ni Dex ang kabuuan ni Tess. Kahit madilim, hindi maikakaila ang kariktan nito. At ngayon ay handa nang ipagkaloob sa kanya ang kariktang iyon. Ilang taon na ring na laging nagpaparamdam sa kanya si Tess. Siya lang ang walang pakiramdam.
Ngayon, may pakiramdam na siya at ibibigay niya ang gusto ni Tess. Lalaki siya at kaya niyang ipagkaloob iyon. Hindi niya hihiyain si Tess sa pagkakataong ito. Bahala na ang susunod. Basta paliligayahin niya si Tess.
Ang mga sumunod na tagpo ay lalo pang mas mainit. Nagbabaga na sila pareho ni Tess. Napakatinding init na noon lamang niya naranasan. Hanggang sa maramdaman niya nagbabanta na ang pagsabog. Palapit nang palapit.
Hanggang sa tuluyan nang kumawala ang namuong init. Pagkaraan ay dahan-dahang bumaba ang temperatura.
Ilang saglit pa at nakita niya na nakangiti si Tess. Yumakap uli sa kanya.
‘‘Pinaligaya mo ako Dex!’’ sabi nito at hinimas-himas ang pisngi ni Dex.
Ngumiti lang si Dex.
Siya man ay naligayahan din, gusto niyang sabihin kay Tess. (Itutuloy)
- Latest