^

True Confessions

Kaibigan (74)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Habang nag-aalala sa kalagayan ni Lara, naisip ni Dex ang mga huling habilin ng kaibi­gang­ si King. Ilang beses inulit sa kanya na hu­wag pababayaan si Lara. Mahina si Lara at hindi kayang mag-isa. Maski sa sulat, sinabi muli ni King na huwag pababayaan si Lara.

Hindi na mapakali si Dex. Paano kung may nangyari kay Lara? Pa­ano kung saan ito na­padpad? Baka kung saan-saan nakarating makaraang malaman na wala nang uuwian sa Nagcarlan? Baka napa­hamak na?

Sinubukan niyang mag-search sa FB at bakasakaling makontak niya.

Walang account sa FB si Lara.

Naisip ni Dex, baka naman may kamag-anak dito sa Maynila si Lara at doon nakatira. Pero kung meron, sana nasabi sa kanya ni King. Walang nabanggit si King tungkol dun. Maski nga mga kamag-anak ni King dito sa Maynila ay walang ikinu­kuwento sa kanya.

Nang wala nang ibang maisip na paraan si Dex kung paano mahahanap at makokontak si Lara, si­nubukan naman niyang mag­halungkat sa mga gamit ng mag-asawa sa kuwarto. Bakasakaling may makita siyang address na maaring puntahan ni Lara.

Isang malaking maleta ang nasa kuwarto na hula ni Dex ay mga damit at dokumento ang laman.

Nang buksan niya, mga lumang damit at mga pa­peles na nasa brown en­velope ang naroon. Iniisa-isa niyang buklatin ang mga nasa envelope. Mga record sa school at diploma ng mag-asawa ang nakita niya. May mga pictures ng mag-asawa.

Napagtuunan niya ang isang picture ng babae. Maganda. Kamukha ni Lara. Nang tingnan niya ang likod may nakasulat­. MINA, 132 Tejeros BLISS, Makati City.

Nagkapag-asa si Dex. Pupuntahan niya ang na­sabing address. Bakasakaling may alam ang babaing nasa picture kung nasaan si Lara. (Itutuloy)

DEX

KING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with