Kaibigan (36)
“Huwag ka nang umiyak Lara at buhay naman ako,’’ sabi ni King sa asawa.
‘‘Masyado kasing nag-alala si Lara nang gabing-gabi na ay hindi ka pa dumarating. At hindi ka man lang nagti-text o tumawag kaya. Tinatawagan ka naman daw e hindi ka sumasagot.’’
“Naubusan ng load ang CP ko. Naalala ko lang ng tapos na akong mag-OT. Masyado akong nasubsob sa trabaho.’’
‘‘Kaya nang sabihin sa akin ni Lara na hindi ka pa dumarating nagpasya na akong hanapin ka. Pupuntahan kita sa opis n’yo sa Binondo. Mabuti na lang at nakita ko ang mga nag-uusyuso sa Legarda. Yun pala napatay na ang holdaper na nambiktima sa iyo.’’
Hindi nagsalita si King. Nakatingin lang sa kisame. Parang may iniisip na malalim.
Maya-maya nagpaalam si Lara na bibili ng tissue at bulak sa botika.
Saka may sinabi si King kay Dex.
“Problema ko itong ibabayad sa ospital, Dex. Tulungan mo ako.’’
“Siyempre naman.’’
“Saka na lang kita babayaran.’’
“Huwag mong isipin yun.’’
“Salamat. Napakabuti mong kaibigan.’’
“Nagbabayad din lang ako sa kabutihan mo nun.’’
“Ang dami mo nang naitulong sa akin.’’
“Hindi ako magsasawa sa pagtulong sa iyo.’’
‘‘Salamat at nagkaroon ako ng kaibigan na katulad mo. Wala ka talagang katulad, Dex,’’
‘‘Parang nagdadrama ka na ah, ha-ha-ha!’’
‘‘Nahalata mo na, ha-ha-ha!’’
‘‘Huwag ka munang tumawa at bubuka ang sugat mo.’’
Tumigil sa pagtawa si King.
‘‘Paglabas mo rito, magselebreyt tayo dahil bagong buhay ka.’’
(Itutuloy)
- Latest