^

True Confessions

Huling Eba sa Paraiso (157)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Ang dami mong naita­nim na lansones, Ma­­rianne,’’ sabi ni Drew habang kumakain sila ng tanghalian sa kubo. Pasado alas dose na nang sila ay kumain dahil ayaw pang bumitaw ni Ma­rianne sa pagtatanim. “Tinalo mo pa ako. Sanay na sanay ka sa pagtatanim ng puno.’’

“Bukas, mas marami akong itatanim, Drew.’’

“Pagdating ng araw, tayo ang may pinakamalaking ta­niman ng lansones dito. Ang mahal ng kilo ng lansones ano, Marianne?’’

“Oo. Baka rito ka yumaman nang todo, Drew. Baka sa future, tawagin kang Don Andrew, ha-ha-ha!’’

“Kapag yumaman ako, yayaman ka rin at si Tikoy. Siyempre tayo ang nagtu­lung-tulong na nagtanim. Ka­pag yumaman ka, tatawagin kitang Doña Marianne, ha-ha-ha!’’

“Sana magkatotoo, ano Drew?’’

“Posibleng magkagtotoo ‘yun dahil nagsisikap tayo.

‘Yung mga mayayamang Pinoy nga­yon, nagtiyaga sila sa simula at ngayon inaani na nila ang bunga ng pagod at hirap.’’

Napatango si Marianne sa pagsang-ayon kay Drew.

May isinuhestiyon si Ma­rianne kay Drew.

“Alam mo Drew, ang isang prutas na ubod din nang mahal ay ang mangosteen. Mabuti yata magtanim din tayo nun. Kasi ‘yung balat yata ng mangosteen ay ginagamit na gamot sa diabetes. Ginagawang tablet yata. Subukan nating magtanim nun.’’

“Sige, magpapahanap ako kay Tikoy ng seedlings ng mangosteen.’’

“Gawin nating paraiso itong property mo, Drew. Pu­nuin natin ng halaman at mga punong namumunga ang makikita.’’

“Puwedeng paraiso nga! Ang galing mong mag-isip Marianne.’’

“Salamat.’’

Hanggang sa hindi ina­asahang tanong ang namu­tawi sa labi ni Marianne.

“Bakit hindi ka pa nag-aasawa Drew?’’

Hindi agad nakasagot si Drew.

Makaraan ang ilang segundo saka nakasagot.

“Natakot na ako, Ma­rianne.’’ (Itutuloy)

DREW

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with