^

True Confessions

Monay (201)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Habang tinatanaw ang papalubog na araw, muling sinariwa ni Monay ang hindi makakalimutang nangyari noong high school graduation nila. Nakapila sila noon para tanggapin ang diploma sa stage. Ka­tabi ni Monay ang mama nito. Pero dahil takot, hindi niya magawang batiin o tingnan man lang Joem.

“Hindi ko talaga ma­li­mutan ‘yun, Joem. Na­ihalintulad ko nga sa papalubog na araw. Palubog nang palubog. Hindi na pala tayo magkikita pagkatapos ng graduation. Akala ko hinding-hindi na tayo magkikita. Masamang-masama ang loob ko nun baka akala mo.’’

“Pero ‘di ba nagtatago lang ang araw at pagkatapos ay sisikat na muli? May bagong pag-asa. Tingnan mo at nagkita tayo. Tayo pa rin sa dakong huli. Kahit na nag-asawa ka na at nag-asawa rin ako, tayo pa ring dalawa.’’

“Oo nga. Kahit anong mangyari tayo pa rin sa dakong huli ano? Talagang naka-destiny na tayong da­lawa ang magsasama habang buhay.’’

‘‘Oo.’’

“Pero nung araw ng graduation natin, galit ka sa akin dahil inisnab kita?’’

“Medyo.’’

“Anong medyo?’’

“Medyo tampo. Kasi wala naman akong alam na dapat mong ikagalit sa akin. Tinanong ko nga ang sarili ko kung bakit biglang hindi mo ako pinansin. Awang-awa ako sa sarili ko dahil nagkataon na hindi dumating si Tito Nilo na kasama ko sana sa stage. Dahil hindi dumating si Tito Nilo, ang adviser natin ang sumama sa akin sa stage. Kaya hindi ko rin malilimutan ang pangyayaring ‘yun.’’

‘‘Kawawa ka naman pala. Tapos inisnab pa kita.’’

“Pero naisip ko rin, si­guro ay may dahilan kaya hindi mo ako pinansin nun. Hanggang sa nalaman ko nga kay Trishia.’’

‘‘Hayaan mo at mamahalin naman kita nang labis ngayon.’’

“Ikaw din mamahalin ko nang sobra-sobra.’’

“Gaya-gaya ka ha?’’

Nang dumilim na, ipinasya na nilang umuwi sa hotel. Kumain sila ng dinner sa restaurant. Masayang-masaya sila. Walang kapaguran sa pagkukuwentuhan. Maghahatinggabi na ng ipasya nilang magbalik sa kanilang room.

Hiwalay sila ng kama nang matulog.

Pero makaraan lang ang may kalahating oras, ginising ni Monay si Joem.

“Hindi ako makatulog sa kama ko Joem.’’

“E di magtabi na tayo. Ako rin hindi makatulog.’’

(Itutuloy)

JOEM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with