^

True Confessions

Monay (173)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Kinabukasan, dinalaw ni Joem ang puntod ng asawang si Cath. Linggu-linggo dinadalaw niya ang puntod at dinadalhan ng sariwang rosas na paborito ni Cath.

Habang nasa harap ng puntod, masayang umusal ng dalangin si Joem. Tahi­mik siyang nagreport sa asawa. Kapag dumadalaw siya, lagi niyang kinakausap ang asawa. Pakiramdam ni Joem, nakikinig ang kanyang minamahal na asawa sa kanyang tahimik na pagkukuwento. Noong nabubuhay pa si Cath, gusto nitong magpakuwento kay Joem. Na­aaliw daw si Cath sa kanyang paraan ng pagku­ku­wento.

“Nagkaroon na kami ng komunikasyon ni Monay. Gaya ng sinabi mo sa akin, nag-friend request ako sa kanya at agad naman niyang tinanggap. Hindi siya makapaniwala na magkakaroon kami ng komunikasyon. Tamang-tama raw ang pag-friend request ko dahil mayroon daw kaming school reunion. Excited siya na magkita-kita kami. Kailangan daw ay dumalo ako.

“Tama ang mga sinabi mo sa akin sa iyong sulat na biyuda na si Monay. Tama rin ang sinabi mo na masyado siyang kinontrol ng kanyang mama. Ngayon daw na wala na ang kanyang mama ay magagawa na niya ang lahat ng gusto niya. Nakalaya na raw siya makaraan ang matagal na panahon. Wala na rin daw makakapigil sa kanya para umuwi sa Pilipinas.

“Sabi nga pala ni Monay, tulungan ko raw hanapin ang kanyang kaibigan na si Pandekoko. Nagtataka raw siya kung bakit hindi na nagme-message sa kanya si Pandekoko.

‘‘Pag-uwi raw niya gusto niyang makita ang kaibigan. Kaya tulungan ko raw siya na hanapin si Pandekoko.

“Paano ang gagawin ko? Maa­aring malaman niya ang tunay nating relasyon.

“Mas maganda siguro na sabihin ko na. Ano sa palagay mo?’’

Napabuntunghininga si Joem. Kung sana ay naririnig siya ni Cath. Sana…

(Itutuloy)

vuukle comment

CATH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with