^

True Confessions

Monay (74)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Tinawagan niya si Trishia.

“Bakit ka tumawag?’’ tanong ni Trishia na parang inis pa. Siguro’y dahil sa nabitin na paghahalikan nila kanina.

“Sorry kanina, Trish. Alam ko, inis ka. At isa pa, hindi ka nakakain ng fishball.’’

“Sino ba ‘yung bisita mo? Wrong timing!’’

“Pinsan ko ‘yun – si Bong.’’

‘‘Bakit nagpunta?’’

“Nagpapapasok sa akin ng trabaho.’’

“Kung kailan pa ako naroon saka nagpunta.’’

“Siyempre hindi naman niya alam na naroon ka. Saka nun lang kami nagkita. ‘Yung father nun ay ma­laki ang utang na loob ko. Tinulungan ako nung mamatay ang mama ko.’’

Tahimik si Trishia sa ka­bilang linya pero naririnig niya ang paghinga.

‘‘Huwag ka nang mainis, Trish. Hayaan mo at ipag­luluto uli kita ng fishball.’’

“Hindi fishball ang gusto ko!’’

“E ano?’’

“Manhid!’’

Nagtawa si Joem.

“Tatawa-tawa ka pa riyan.’’

“Anong gusto mong gawin ko?’’

“Wala kang pakiramdam!’’

“Anong walang pakiramdam?’’

“Di ba?’’

“May pakiramdam naman ako ah. Ang sarap mo ngang humalik.’’

“Kung hindi pa ako ang nag-umpisa.’’

“Pilya ka, Trish.’’

Hindi nagsalita si Trishia.

“Sorry na, Trish.’’

“Bahala ka sa buhay mo!’’

Ibinaba ni Trishia ang phone.

Napailing-iling si Joem.

KINABUKASAN, habang nasa opisina, malalim na nag-iisip si Joem. Hindi niya malaman kung paano ipapasok sa kanilang kompanya si Bong. Kailangan meron siyang malapitan na medyo malakas para madaling maipasok si Bong. Gusto niya itong maipasok para makabawi sa mga tinulong sa kanyang ni Tito Nilo. 

(Itutuloy)

PHONE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with