Monay (38)
‘‘Bong!’’
Sabi ni Joem nang makita niya ang panganay na anak ni Tito Nilo. Sa mukha ni Bong ay mukhang may masamang nangyari.
‘‘Halika Bong!’’
Pumasok si Bong.
‘‘May nangyari kay Tatay, Joem!’’ sabi ni Bong.
‘‘Anong nangyari kay Tito Nilo?’’
“Na-stroke siya kahapon ng madaling araw, Joem.’’
Nagulat si Joem. Iyon ang dahilan kaya hindi ito nakarating sa graduation niya.
“Anong lagay ni Tito Nilo, Bong?’’
“Nasa ospital pa. Inoobserbahan dahil may pumutok daw na ugat.”
“Kawawa naman si Tito Nilo.’’
‘‘’Yun ang dahilan kaya hindi siya naka-attend sa graduation mo Joem.’’
“Sabi ko na at may nangyari kaya hindi siya nakarating.’’
“Kaya nga ako pumunta rito ay para malaman mo ang nangyari.’’
“Mabuti at nakita mo itong amin.’’
“Nagtanong ako sa kanto. Kumusta ang graduation n’yo?’’
“Okey naman. ‘Yung adviser ko ang pumartner sa akin.’’
“Next week ga-graduate rin ako Joem. Hindi ko alam kung makakasama ako dahil sa nangyari kay Tatay.’’
“Makakaligtas si Tito Nilo. Huwag kang mag-alala, Bong.’’
“Iyak nang iyak si Nanay. Kasi hindi namin alam kung saan kukuha ng pera para bayad sa ospital.’’
‘‘Tutulungan naman siguro kayo ng may-ari ng talyer na pinapasukan ni Tito Nilo.’’
“Sana.’’
“Gusto kong dalawin si Tito Nilo, Bong.’’
‘‘Nasa ICU pa siya kaya hindi pa puwedeng dalawin. Pupuntahan kita rito para ipaalam sa iyo ang lagay ni Tatay.’’
“Sige, Bong.’’
“Aalis na ako Joem. Baka hinihintay na ako ni Nanay sa ospital.’’
Umalis na si Bong.
Naiwan si Joem na malalim na nag-iisip at maraming tanong sa sarili.
Bakit kung sino pa ang mahihirap ang lagi nang nagdaranas nang mga sakit?
Bakit kung sino pa ang mga kapuspalad ang lalo pang naghihirap?
Pagkatapos ay sunud-sunod na huminga nang malalim.
Hanggang sa maisip na naman niya si Monay. Bakit hindi kaya hindi siya nito pinansin?
(Itutuloy)
- Latest