^

True Confessions

Monay Ronnie (25)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Nagmamadaling nagtungo sa pintuan si Joem para tingnan kung sino ang tumatawag.

Si Aling Nita na kapitbahay nila. Kaibigan ito ng mama niya. May dalang pagkain na nasa mangkok.

“Pasok po Aling Nita!’’

Pumasok si Aling Nita.

“Dinalhan kita ng pagkain. Baka hindi ka pa kumakain.’’

‘‘Hindi pa nga po, Aling Nita. Salamat po,’’ kinuha ang mangkok sa matanda. ‘‘Sandali po at isasalin ko lang.’’

Tinungo ni Joem ang kusina at kumuha ng pagsasalinan ng pagkain.

‘‘Huwag mo nang hugasan ang mangkok, Joem.’’

‘‘Sige po.’’

Matapos isalin ang ulam ay iniabot kay Aling Nita.

‘‘Kumusta ka naman Joem?’’

“Eto po nag-aaral pong mag-isa.’’

“Ayaw mo sa pinsan ng mama mo – kay Nilo.’’

“Gusto ko pong magsolo. Kaya ko naman po. Isa pa po ay marami ring anak si Tito Nilo at makakadag­dag lang ako sa pakakainin niya.’’

“Sabagay nga.’’

“Wala na naman po akong katatakutan dahil wala na ang salot dito sa bahay na ito – patay na po ang de­monyo!’’

“Oo nga! Mabuti nga at napatay na si Mauro. Siya ang tulak dito. Pato mga rito e tinuturuang mag-drugs.’’

“Oo nga po. Dinasal ko pong mamatay na sana ang demonyo.’’

Nagtawa si Aling Nita.

“Sige Joem, kumain ka na. Kapag may kailangan ka e pumunta ka sa bahay. Huwag kang mahihiya. Matalik kong kaibigan ang mama mo.’’

“Oo nga po. Salamat po Aling Nita.’’

Umalis na ang matanda.

Itinuloy ni Joem ang paglilinis sa bahay.

Nang matapos sa pag­lilinis, kinain niya ang pagkain na bigay ni Aling Nita.

Pagkakain, ang paglalaba ng mga damit ang ina­sikaso niya. Marami siyang maruming damit. Inuna niya ang kanyang uniporme.

Habang nilalabhan ang uniporme, pinag-isipan niya kung dapat pa siyang bumalik sa pag-aaral. O huwag na lang pumasok at ang pagsikapan niya ay ang pag­hahanap ng ikabubuhay. Kailangang kumita siya.

Subalit naisip niya si Monay. Mapilit si Monay na ipagpatuloy niya ang pag-aaral dahil ilang buwan na lang at graduation na.

Siguro, nagtataka na si Monay kung bakit hindi siya nagpapakita sa school. Hindi pa alam ni Monay na namatay ang kanyang mama.

(Itutuloy)

RONNIE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with