Ang Babae sa Silong (126)
Lumapit sina Gab at Dado kay Ino na noon ay nagpapatuka ng mga manok at itik.
Binitawan ni Ino ang bilao na lagayan ng patuka at sinalubong sina Gab at Dado.
“Kumusta Ino? Mukhang hiyang na hiyang ka rito. Ang ganda ng katawan mo!’’ sabi ni Gab.
‘‘Oo nga. Bumata ka Ino,’’ sabi ni Dado.
‘‘Kuntentong-kuntento na ako rito, Ate, Kuya. Gusto ko ang pamumuhay rito.’’
“Nakikita nga namin sa mukha mo, Ino.’’
‘‘Halikayo sa kubo at dun tayo magkuwentuhan. Paiinumin ko kayo g napa-kasarap na buko juice. Fresh na fresh.’’
“Sige nauuhaw na nga kami, Ino.’’
Tinungo nila ang kubo. Umakyat sila sa apat na baytang na hagdanan. Malinis ang kubo. Makintab ang sahig na kawayan.
“Dito ka na ba nakatira, Ino?’’ tanong ni Gab.
‘‘Oo, Ate. Kailangan ko kasing bantayan ang mga manok dahil nilulusob ng sawa at bayawak. Pati mga itik ko e kinakain.’’
“Ah kaya pala dito ka na nakatira.’’
“Pero umuuwi rin ako sa bahay natin para bisitahin si Mama. Kapag Sabado at Linggo narito si Mama. Tuwang-tuwa siya kapag nagpapakain ako ng mga manok at itik.’’
“Nasaan ang palaisdaan mo Ino? Yung mga alaga mong hito?’’ tanong ni Dado.
“Nasa likod nitong kubo, Kuya. Mamaya huhuli ako para ulam natin. Ano bang gusto n’yo, ihaw o adobo sa gata?’’
‘‘Ihaw ang gusto ko, Ino. Tapos may sawsawan na suka.’’
“Okey sige. Teka at ikukuha ko kayo ng buko para makainom kayo.’’
Umalis si Ino. Maya-maya lang ay nagbalik na may dalang mga buko. Nagbiyak ito at kinuha ang sabaw at pinainom kina Gab at Dado.
“Wow! Ang sarap ng sabaw ng buko!’’ sabi ni Gab.
“Masarap talaga ang variety na yan, Ate.’’
Uminom pa si Gab. Na-sarapan din si Dado.
‘‘Ang sarap nga ng bu-hay dito sa bukid ano? Puro sariwa ang kinakain,” sabi ni Dado.
‘‘Hindi ka nahihirapan kahit walang kuryente rito, Ino?’’ tanong ni Gab.
‘‘Hindi Ate. Kaya kong mabuhay kahit walang kuryente, cell phone, computer at iba pa.’’ (Itutuloy)
- Latest