^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (124)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘Dads, huwag ngayon. Makakapag­hintay ka naman di ba?’’

‘‘Hanggang kailan ako maghihintay?’’

‘‘Kapag nakapagplano na tayo. ‘Di ba ikaw na rin ang nagsabi, mas maganda kapag naka­­­plano ang lahat.’’

Saka nagtawa si Dado.

‘‘Wala naman akong sinasabing gusto ko na ngayon ah?’’

“Sabi mo kasi kanina kung puwedeng sumilip.’’

“Binibiro lang kita! Ikaw naman naniwala agad.’’

“Kasi seryoso ka nang magsalita.’’

“Biro lang ‘yun. At saka gusto talaga kapag nakasal na tayo mangyari ‘yun. Isa pa, mas nakakagigil kapag matagal na hinintay. Mas exciting.’’

“Kiss lang ang puwede Dads.’’

Biglang hinalikan ni Dads sa labi si Gab. Hindi tumanggi si Gab.

Mainit. Matagal.

Humihingal sila pareho nang maghiwalay.

“Talaga bang hiniling mo ako sa Diyos, Gab?’’

“Oo.’’

Hinalikan muli ni Dado ang kasintahan. Mas mainit na halik. (Itutuloy)

DADS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with