Alupihan (190)
“Aling paa ang natapakan? Kaliwa o kanan?’’ tanong ni Cris kay Hani.
“Etong kanan, Kuya!’’
“Ngayong uwian lang natapakan ng pasahero?’’
“Oo Kuya. Napakahirap po kasing sumakay dahil rush hour. Malayo pa ang dyip ay sinasalubong na. Nakipag-agawan ako dahil gusto ko nang umuwi. Ayun natapakan!’’
“Maupo ka muna sa sopa.’’
Maski ang paghakbang patungong sopa ay hirap na hirap si Hani. Inalalayan ni Cris para makaupo sa sopa. Hindi nito maiyapak ang masakit na paa.
“Mukhang masakit nga ‘yang paa mo. Hirap na hirap ka, Hani.’’
“Oo Kuya, gusto ko na ngang umiyak sa sakit. Kanina e hindi pa naman ito gaanong masakit pero ngayon para kalat na kalat na ang kirot.’’
“Tingnan ko ang paa mo?’’
“Huwag na Kuya, nakakahiya.’’
“Bakit ka mahihiya? Gusto ko lang namang tingnan kung bakit namaga ang paa.’’
“Baka kasi mabaho ang paa ko Kuya.’’
Nagtawa si Cris.
“Hindi ko naman aamuyin ang paa mo. Gusto ko lang makita kung saang eksaktong bahagi natapakan ang paa mo.’’
“Sa kanang paa ako natapakan Kuya.’’
“Ipatong mo sa hita ko ang iyong kanang paa.’’
Sumunod si Hani. Ipinatong ang paa sa hita ni Cris.
Ininspeksiyon ni Cris ang paa ni Hani. Nakita niya na may mapulang bahagi ang paa.
“Didiinan ko itong mapulang bahagi, sumigaw ka kapag masakit ha?’’
Dahan-dahan diniinan ang bahaging mapula.
Napa-‘aray’ si Hani.
“Dito nga sa bahagi na ito may pamamamaga,’’ sabi ni Cris at hinimas-himas ang paa ni Honey.
Dahil sa sarap ng paghimas ni Cris sa paa ni Hani ay nakatulog si Hani. Kaya pala walang kakilus-kilos ay tulog na ito. Nasarapan marahil sa paghimas-himas.
Tiningnan pa ni Cris ang paa.
Maga na ang mga ito. Kailangang mapainom ng gamot para rito. Baka kung ano ang mangyari kay Hani.
(Itutuloy)
- Latest