^

True Confessions

Alupihan (170)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Parang pinagtiyap ng pagkakataon na habang pinag-uusapan nina Cris at Hani si Diana, bigla itong du­mating. Halatang galing sa probinsiya. May dalang maleta.

“Diana!’’ sigaw ni Cris.

Lumapit si Diana. Nasa mukha nito ang malaking pag­tataka.

“Kuya anong nangyari rito? Bakit may mga tao sa labas at mayroon silang pi­nag-uusapan. May nahuli raw dito sa atin? Ano ‘yun Kuya?’’ sunud-sunod na tanong ni Diana.

“Si Gretchen at ang ka­kutsaba niyang magna­na­kaw ang nahuli Diana.’’

“Si Gretchen at magna­nakaw? Hindi ko maintindihan Kuya.’’

Idinetalye ni Cris ang buong pangyayari kay Diana.

Hindi makapaniwala si Diana.

“Bakit nagawa ni Gretchen ‘yun sa‘yo Kuya?’’ tanong ni Diana. “Wala ka namang ginagawa sa kanya.’’

“Hindi nga rin ako makapaniwala, Diana. Mabuti na­­man ang pakikitungo ko sa kanya. Hindi ko akalain na ma­gagawa niyang kumutsaba at umupa ng magna­nakaw para ako biktimahin. Mabuti at nakapaghanda ako. Kung nasorpresa ako, baka napahamak ang buhay ko – baka napatay ako ng magnanakaw.’’

Napa-diyos ko si Diana.

‘‘Nagsa-shabu raw si Gret­chen kaya kailangan ng pera sabi ng magnanakaw na inupahan niya. Lulong na raw.’’

‘‘Sabi ko na nga ba at nag­sa-shabu siya,’’ sabi ni Diana at napailing-iling. “Kaya pala marahas siya. Kaya pala ma­s­yado siyang bayolente.’’

“Napansin mo rin, Diana.’’

“Oo Kuya. Kaya nga kusa na akong dumistansiya sa kanya. Kasi tuturuan niya akong mag-drugs. At kapag hindi na­sunod ang gusto niya ay nana­nakit.’

“E Diana, may sinabi laban sa’yo si Gretchen. Ikaw daw ang may pakana nang gaga­wing pagnanakaw sa akin. Buntis ka raw at guma­gamit ng droga kaya nagpaplano na magkapera. At ‘yun nga ang napagka­sunduan, aak­yat ang mag­na­nakaw at isa­sa­­gawa ang paglimas sa aking­ kuwarto. At sabi pa ni Gretchen, kaya ka umuwi ng probin­siya ay para hindi ka mapagbinta­ngan  na ikaw ang nagplano ng pagnanakaw.’’

“Ako pala ang lumalabas na kontrabida. Hindi ko maga­gawa ‘yun. Kaya ako umuwi ay dahil may nangyari sa daddy ko. Inatake siya sa puso at nasa ospital pa hanggang ngayon. Kaya ako bumalik ay para kunin ang mga gamit ko rito. Sa probinsiya na lang ako Kuya para lagi kong nakikita si Daddy.’’

Napabuntunghininga si Cris. Malinaw na malinaw na ang lahat – si Gretchen talaga ang ‘‘utak’’ at walang kasalanan si Diana.

(Itutuloy)

CRIS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with