^

True Confessions

Alupihan (86)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Pero mabilis ding na­kabawi si Hani sa pag­kabigla.

Nakisakay na siya kay Cris.

“Inorder ko nga ang chocolates na ‘yan kay Kuya!’’ sabi niya at kinuha ang supot kay Cris.

“O sabi ko na sa inyo. Order nga ni Hani ‘yan.’’

“Owww?’’ sabi ni Gret­chen. ‘‘Parang hindi yata?’’

‘‘Order ko nga ito, Gret­chen,’’ sabi ni Hani.

“Kahapon dumating ang package ng chocolate ni Kuya at nakita ko nang dumating. Agad akong inalok ni Kuya.’’

“Totoo ang sabi ni Hani. Galing Australia ang chocolates – padala ng sister ko. Hindi ko na sana ibebenta e marami naman kaya binentahan ko si Hani.’’

Natahimik sina Gret­chen at Diana.

Pinaglipat-lipat ang ti­ngin kina Cris at Hani.

Parang duda ang mga ito.

Pero sa huli, nakum­binsi rin ang mga ito.

‘‘Sige Kuya ako rin oorder din ng dalawang bars,’’ sabi ni Gretchen.

‘‘Ako rin Kuya,’’ sabi ni Diana.

‘‘Okey dadalhin ko sa inyo ma­maya,’’ sabi ni Cris na tila nabunutan ng tinik.

‘‘Magkano Kuya?’’ tanong ni Diana.

‘‘Mura lang para sa inyo. Pero huwag na ninyong sabihin sa iba pa ha.’’

“Walang problema Kuya. Sige dalhin mo lang mamaya. Lalabas lang kami ni Diana para bumili ng pagkain,” sabi ni Gretchen.

‘‘Sige pagbalik n’yo ibigay ko ang chocolates.’’

Umalis na ang dalawa.

Nang makalayo ang mga ito, nagtatakang nagtanong si Hani kay Cris kung bakit nagkunwa­ring inorder niya ang chocolates.

Ipinaliwanag ni Cris kung bakit.

“Baka kasi magselos ang da­lawa kapag nakitang ibinigay ko lang sa’yo ang chocolates.’’

Naunawaan ni Hani ang lahat.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALUPIHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with