^

True Confessions

Ahas sa Garden (424)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“SANA kung buhay si Sir Nath, siya ang kukunin kong ninong sa kasal,” sabi ni Alexis kay Manang.“Oo nga ano. Sayang at wala na si Sir.’’

“Sure ba kayo na ma­kakarating sa kasal ko, Manang?’’
“Itatawag ko sa’yo, Alexis. Kailan ba ang kasal?’’
Sinabi ni Alexis ang petsa.
“Isang buwan pa pala. Makakarating kami Ale-xis.’’
“Salamat Manang.’’

“Tiyak matutuwa si Cindy kapag nalamang ikakasal ka. Tamang-tama naman sa pag-uwi namin ang kasal mo.’’
“Oo nga Manang. Parang sinadya ano para makadalo kayo.’’
“Sino nga pala ang mapalad na babaing pakakasalan mo?’’
“Si Nicole, Manang.’’
Ikinuwento ni Alexis kay Manang kung paano sila nagkakilala ni Nicole. Hangang-hanga si Manang nang marinig ang kuwento ni Alexis.
“Parang sa pelikula pala ang pag-iibigan n’yo Alexis.’’
“Oo nga Manang, parang teleserye!’’
“Dalangin ko na maging maligaya at forever ang inyong pagsasama.’’
“Salamat Manang.’’
“Nasasabik na tuloy akong umuwi para makadalo sa wedding mo.’’
“Gusto na rin kitang ma­kita Manang.’’
“Saan ba kayo ikakasal ni Nicole?’’
“Dito sa aming probinsiya. Sa isang simbahan sa bayan at ang reception ay sa aking farm.’’
“Talaga? E ‘di ang sarap ng hangin diyan.’’
“Masarap talaga Ma­nang. At pati pagkain, masarap, Pinoy na Pinoy.’’
“Wow, natatakam na ako Alexis. Uwing-uwi na ako.’’
ISANG araw bago ang kasal nina Alexis at Nicole, dumating  sina Manang, Cindy at ang dalawang anak nito na pawang mga puti dahil Australian ang tatay.
“Tamang-tama ang da-ting n’yo, Manang, Cindy. Bukas na ang kasal namin.”
(Itutuloy)

ALEXIS

BRENDA

MANANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with