^

True Confessions

Ahas sa Garden (400)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Bantulot si Nicole sa pag-abot sa ibinibigay na tatlong red roses ni Ale­xis. Hindi niya iyon inaasahan. Gulat na gulat siya at hindi rin makapaniwala na bibigyan ng roses ni Alexis.

“Salamat po, Mang Ale­xis,” sabi niya pagkaraang abutin ang mag roses.

“Wala ka naman sigurong gagawin, Nicole.’’

“Wala po. Katatapos ko lang pong magluto ng meryenda.’’

“Wow. Huwag mong sa­bihin na ginataang bilo-bilo ang niluto mo.’’

“Hindi po, he-he-he.”

“E ano?’’

“Ginataan pong monggo.’’

“Ah tinutong!’’

“Ano pong tinutong?’’

“’Yan ang tawag dito sa amin sa ginataang monggo. Masarap ‘yan.’’

“Halika ka po rito sa loob at nang makakain ka ng tinutong. Masarap po ito kapag mainit.’’

“Tama ka Nicole.’’

Pumasok sila.

Naupo si Alexis sa sopa.

Si Nicole naman ay nag­tungo sa kusina para kumuha ng tinutong.

Maya-maya, dala na ni Nicole ang umuusok na tinutong sa isang kaserola. May dala na rin siyang mang­kok at kutsara.

“Eto na po Mang Alexis. Masarap po ‘yan.’’

“Sa itsura pa lang tala­gang masarap na.’’

Nilagyan ni Nicole ng ti­nutong sa mangkok si Alexis.

At nagsimula na itong kumain.

“Wow ang sarap!’’

“Salamat po.’’

“Ikaw kumain ka na rin. Sabayan mo ako.’’

Kumuha si Nicole ng mangkok.

Sabay silang kumain.

“Talagang mahusay kang magluto, Nicole. Bilib na bilib ako.’’

“Salamat po uli.’’

Nang matapos silang kumain, nagseryoso na si Alexis.

“Mayroon akong sasa­bihin sa’yo Nicole.’’

“Ano po ‘yun?’’

“Huwag kang maga­galit ha?’’

“Hindi po.’’

“Mahal kita, Nicole.’’

(Itutuloy)

ALEXIS

NICOLE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with