^

True Confessions

Ahas sa Garden (366)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MAS masarap ang kare-kare kapag ang inihalong mga gulay gaya ng talong at petchay at puso ng saging ay sariwa at yung organic,” sabi ni Alexis habang sarap na sarap sa pagkain ng kare-kareng luto ni Nicole.

“Ay opo Mang Alexis, mas masarap po kapag sariwa. Kaya lang mayroon pa bang sariwang gulay ngayon. May nilalagay po yatang kemikal para hindi malanta sa mga gulay na nasa palengke ngayon.’’

“’Yung mga naaani sa farm ko ang siguradong walang halong kemikal at walang pataba. Organic nga kaya safe na safe.”

“Talaga po?’’

“Oo. Makikita mo kapag dinala kita roon sa isang linggo. Doon ka magtatrabaho.’’

“Naku e ‘di masarap palang magluto ng kare-kare o kaya ay bulanglang dun sa farm mo, Mang Alexis.”

“Oo. Pawang sariwa ang gulay dun. Kaya nga dumami ang customer ko e dahil sa hindi ako gumagamit ng kemikal at kung anu-anong pesticide para sa gulay. Safe na safe. Ito ngang Japanese restaurant na ka-deal ko e tuwang-tuwa nang malaman na pure organic ang mga isusuplay ko sa kanilang letsugas. Yun daw ang hinahanap ng kostumer ngayon.’’

“Nabasa ko nga po, Mang Alexis na marami nang health conscious ngayon. Na­giging vegetarian na po ang mga Pinoy.’’

“Tama ka, Nicole. Kaya nga nag-eexpand pa ang negosyo ko. Marami na akong tauhan sa farm at palagay ko e madaragdagan pa.’’

“Isa po ako sa madaragdag, he-he-he!’’

“Kayang-kaya mo naman ang pagtatrabaho sa farm ‘di ba?’’

“Opo, Mang Alexis. Kakayanin ko po.”

KINABUKASAN, ha­bang­ naglilinis sa salas si Nicole ay niyaya siya ni Alexis.

“Halika Nicole, punta tayo sa department store at ibibili kita ng damit. Wala ka nang maisuot.’’

“Puwede pa po itong suot ko Mang Alexis. Saka na lang po.’’

“Sige na. Tayo na para maibili ka ng damit. Para pag-uwi natin next week e may mga damit ka.’’

Atubili si Nicole at tila nahihiya pa sa alok ni Alexis.

Pero baka magalit na si Alexis kaya napilitan na rin siya.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with