^

True Confessions

Ahas sa Garden (346)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGPATULOY si Franco sa pagkukuwento ng buhay nito at nakikinig naman si Alexis. Humahanga si Alexis kay Franco sapagkat sa kabila na nahiwalay ito sa kapatid na si Brenda ay natuto namang tumindig sa sariling mga paa.

“Nag-janitor ako sa munisipyo. Nakiusap ako sa mayor na uli-lang lubos na ako. May kapatid pero nagkahiwalay kami. Naawa ang mayor sa akin kaya tinanggap ako. Habang nagtatrabaho, nag-aral ako ng two-year course sa pagkukumpuni ng computer at sa awa ng Diyos ay nakatapos ako. Mula sa pagiging janitor ay ginawa akong taga-maintain ng mga computer sa munisipyo. Kapag may problema ay ako ang troubleshooter. Naging maayos ang buhay ko. Mula sa squatter na tinirhan ko ay lumipat ako sa isang maayos na bahay. Naipaayos ko rin ang libingan ni Tatang Indo, ang matanda na kumupkop at nagpaaral sa akin sa high school.

“Pero matindi pa rin ang pagnanais ko na makita si Ate Brenda. Gusto kong makita siya at magkasama na kaming magkapatid. Nasasabik na ako kay Ate Brenda.

“Nagpaalam ako sa mabait na mayor na mag­tutungo sa Maynila para hanapin ang aking kapatid. Sinabi ko rin na sa Maynila na ako mamamalagi at dun maghahanap ng bagong kapalaran. Naunawaan ako ng ma-yor. Binayaran ako sa serbisyo na ginugol sa munisipyo. Ang natanggap na kabayaran ang ginamit ko sa pakikipag­sapalaran sa Maynila.

“Madali akong nakakita ng trabaho sa isang shipping lines bilang computer technician. Umupa ako ng isang kuwarto. At makaraan ang ilang linggo, sinimulan ko ang paghahanap kay Ate Brenda. Gusto kong makita siya at magkasama na kami.

“Una akong nagtanung-tanong sa may Quiapo. Nasabi kasi sa akin ni Ate noon na mas madaling hanapin o makita ang Quiapo kaya nasa isip ko, dun niya pipiliing tumira.

“Pero hindi ko nakita roon si Ate Brenda. Pinagta­nung-ta­nong ko kung may kilala silang Brenda pero walang maka­pag­sabi ukol sa kanya.’’

(Itutuloy)

ALEXIS

BRENDA

FRANCO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with