Ahas sa Garden (214)
NAGING regular na ang pagtungo sa casino nina Sir Nath at Brenda. Hindi na kumpleto ang kanilang araw kapag hindi sila nakapag-casino. Hinahanap-hanap na ng katawan nila.
Halos inuumaga na sila sa pag-uwi. Kung noong una ay pawang panalo sila, nabaliktad naman ngayon dahil ilang gabi na silang umuuwing luhaan. Ang malaki nilang napanalunan noon, natalo rin sa kanila. Hindi na mabilang kung ilang milyong piso ang natalo sa kanila.
Gaya ng madaling araw na iyon na kapwa “laglag ang balikat” na umuwi ang dalawa dahil milyong piso na naman ang natalo sa kanila.
“Ilang araw na tayong sunud-sunod na talunan, Babe,” sabi ni Sir Nath na halata sa boses ang pagkatalo.
“Apat na araw nang sunud-sunod…”
“Ano kayang dahilan at minalas tayo, Babe?’’
“Ganyan talaga ang sugal --- may nananalo at natatalo!’’
“Noong una tayong maglaro e sunud-sunod ang panalo natin.’’
“Ganyan talaga yan. Akala ko ba e dati ka nang nagsusugal? Bakit parang takang-taka ka ngayon?’’
“Kasi’y hindi ako makapaniwala sa sunud-sunod na milyong pisong natalo sa akin.’’
“E di bumawi tayo. Ganyan lang ‘yan!’’
“Sige, bumawi tayo, bukas! Siguro naman ay susuwertihin na tayo, Babe.’’
“Oo! Kailangan yung natalo sa ating milyones, makuha muli natin.’’
Kinabukasan, laman na naman ng casino ang dalawa. Parang dun na sila nakatira dahil maaga pa lang naglalaro na sila.
Gusto nilang mabawi ang natalong milyones.
Pero sunud-sunod ang malas. Sa ha-lip na mabawi ang natalo, lalo pang nadag-dagan.
Hinayang na hinayang si Sir Nath.
Nag-iisip na si Brenda. Baka maubos ang kayamanan ni Sir Nath. Kailangang makuha niya ang mga ‘yun!
(Itutuloy)
- Latest