^

True Confessions

Sadiq (126)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘KAWAWA naman si JayR,’’ sabi ni Sadiq nang makaalis ang kaibigan. “Sana matulungan natin siya. Noong tayo ang nasa gipit na kalagayan, marami siyang naitulong sa atin. Dapat nating ibalik ang nagawa niya sa atin, Mommy.’’

‘‘Oo Daddy, nararapat lang na matulungan natin siya. Kung ano ang ka­ilangan ni JayR, pilitin na­ting matulungan. Kawawa naman. Siya lamang pala ang inaasahan ng kanyang magulang. May sakit pa pala ang kanyang inay.’’

“Nakakaawa nga ang kaibigan ko. Noong mag­kasama pa kami sa Saudi talagang napaka­matulungin ng taong yun. At talagang tapat makipagkaibigan. Hindi nang-iiwan.’’

“Sa itsura pa lang naman ni JayR ay mukhang mabuting tao. Suwerte ang babaing pakakasalan niya.’’

“Pero parang walang balak mag-asawa si JayR. Gusto yata maging matandang tinali.’’

“Kung mayroon lang akong kilalang babae na naghahabol din sa huling biyahe, ipakikilala ko si JayR.’’

“Ihanap kaya natin, he-he-he!’’

“Sige maghahanap ako. Malay mo, matipuhan din niya ang mamanukin natin.

 

ISANG araw dinalaw nina Sadiq at Gina ang itay ni JayR sa ospital. Hindi pa bumubuti ang ma­tanda. Problemado si JayR sapagkat lu­malaki ang gastusin. Iniisip niya kung saan kukuha ng gagastusin kapag hindi pa naging stable ang ama.

“Tutulungan ka namin, JayR. Don’t worry!’’

Parang maiiyak si JayR.      (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with