^

True Confessions

Damo sa Pilapil (63)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PATULOY ang pag-obserba ni Zac kina Mam Dulce at Bogs. Pero ingat na ingat siya at baka makita ni Mam ay kung ano ang isipin sa kanya. Nakakahiya kung mahuhuli siya na nagmamat­yag sa ginagawa ng dalawa.

Hindi maganda ang ginagawa niyang pagmamatyag pero hindi siya makatiis na hindi malaman ang kilos ng dalawa. Gusto niyang malaman kung nanliligaw si Bogs kay Mam.

Gaya ngayon, nakita niya na habang nakaupo ay dikit na dikit ang dalawa sa sopa. Si Bogs ang kusang dumidikit kay Mam sa pag-oobserba niya. Mukhang gusto pang tsansingan si Mam. Ganito ba ang magkaibigan, gaya ng sinabi ni Manang Cion e parang magbabanggaan na ang mukha. Nakita niyang biglang nagtawa si Mam habang nagsasalita si Bogs. Ano  kaya ang sinabing nakakatawa? Halos mamilipit si Mam sa pagtawa. Biling-bili ni Mam ang pagpapatawa ni Bogs.

Maya-maya, nagseryoso ang mukha ni Mam habang nagsasalita si Bogs. Baka nagtatapat ng pag-ibig? Seryoso ang mukha ni Mam. Si Bogs naman ay tila nangungumbinsi ang facial expression.

Maaaring nagtatapat ng pag-ibig si Bogs at naguguluhan naman si Mam. Baka hindi makapagpasya.

Ipinasya ni Zac na huwag nang matyagan ang dalawa. Umalis na siya at nagtungo sa kanyang kuwarto. Nakaramdam siya nang pagkaasar kay Bogs. (Itutuloy)

DAMO SA PILAPIL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with